Philippine CP (PKP-1930), THE JANUARY 2022 ISSUE OF SULONG

2/21/22, 9:46 AM
  • Philippines, Philippines Communist Party [PKP - 1930] En Asia Communist and workers' parties

     CONTENTS OF THE JANUARY 2022  ISSUE  OF  SULONG ! (Forward !),

THE  MONTHLY  ORGAN  OF  THE  PARTIDO  KOMUNISTA NG  PILIPINAS

(PKP-1930, the Philippine Communist Party)

 

  1. Pagbati sa Ika-26 na Anibersaryo at Ika-7 Kongreso ng AMMMA (Enero 7, 2022).

 

  1. Ang Komprontasyon ng USA-NATO-EU Laban sa Rusya, sa Isyu ng Ukraine.

 

  1. Ilang Pananaw sa Eleksiyon sa Darating na Mayo.

 

  1. Joint Statement of Communist and Workers' Parties : On the Valuable Experience of the Great Strikes and Demonstrations of the Working

                                    Class and the People of Kazakhstan.

 

  1. Pamimili ng Administrasyong Digong ng mga Kanyon, Armored Mortar Systems at Tangke mula sa Israel --- Isang Maling Pagsuporta sa zionistang Pananakop at Pamamaslang ng Israel sa Palestine.

 

  1. Message of Condolence on the Passing Away of Dean Merlin M. Magallona, a Former General Secretary of the PKP-1930.

 

  1. Message of Condolence on the Passing Away of Comrade Araceli (“Ka. Nene”)

                        Mallari, an Honorary Member of the PKP-1930 Central Committee.

 

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

 

 

PAGBATI SA IKA-26 NA ANIBERSARYO

AT IKA-7 KONGRESO NG AMMMA

(Enero 07, 2022)

Mga kasama at mga kaibigan,

 

            Ang PKP-1930 ay nagpapaabot ng maalab na pagbati sa Ika-26 na Anibersaryo at Ika-7 Kongreso ng Aniban ng mga Magsasaka, Mangingisda at Manggagawa sa Agrikultura (AMMMA) na ginaganap sa araw na ito sa pamamagitan ng Zoom, o virtual na pagdiriwang.

 

            Iniharap sa virtual na kapulungang ito ng kasalukuyan o outgoing na pamunuan ng AMMMA ang isang dokumento na pinamagatang “Pagsusuri sa Kalagayan ng Agrikultura”, na isang komprehensibong pag-uulat sa nakalulunos na kalagayan ng pananakahan sa ating bansa. Kasama rin sa mga dokumento ng inyong Kongreso ang panukalang Programang Pampulitika ng AMMMA, at ang panukalang mga pagbabago sa Saligang Batas at Alituntunin ng AMMMA. Ang mga dokumentong ito ay isang komprehensibong kalipunan ng mga gabay para sa susunod na pambansang pamunuan ng AMMMA na mahahalal sa Kongresong ito.

 

            Tulad ng nabanggit sa inyong mga dokumento, isang pangunahing kasamaan na naitakda sa panahon ng administrasyong Digong ay ang Rice Tariffication Law na sumira sa kabuhayan ng mga nagtatanim ng palay na bumubuo sa 60% ng mga magsasaka sa Pilipinas. Dahil sa Rice Tariffication Law na nagbukas sa labis na importasyon ng bigas, ay nabarat ang presyo ng palay, habang hindi naman napababa ang presyo ng bigas. Hindi nakinabang ang magsasaka, at hindi rin nakinabang ang mamimili. Ang tanging nakinabang ay ang nag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa, na pawang mga malalaking negosyante na tulad rin ng nagpanukala ng batas na iyon. Ang pangunahing sisi ay tumpak lamang na ihain sa katauhan nina Senadora Cynthia Villar, ni Digong mismo na nag-aproba rito, sa mga senador at kongresista na sumuporta rito, at sa mga pinuno ng Kagawaran ng Agrikultura na nagpatupad nito.

 

Higit na Krisis para sa mga Magsasaka,

Higit na Pagtutubo para sa Kartel sa Bigas

 

            Tulad ng inaasahan, at dati nang nangyari, ang pag-aangkat ng bigas na isinagawa ng mga malalaking negosyanteng kabilang sa kartel sa bigas sa Pilipinas ay laging may kasamang krimen ng smuggling. Sang-ayon sa International Trade Center, ang Vietnam ay nagluwas sa Pilipinas ng 2.24-Million Metric Tons (MT) ng bigas noong 2020, ngunit ang iniulat ng Bureau of Customs ay 1.85-Million MT lamang. Bale ang difference na 390,000 MT na bigas na hindi naiulat ng Bureau of Customs ay naipuslit papasok sa ating bansa nang hindi binayaran ang kaukulang taripa. Lumalabas na mahigit sa 17% ng inangkat ay naipuslit o na-smuggle papasok sa Pilipinas.

 

            May pag-aaral rin (ni Ernesto Ordonez, tagapangulo ng AgriWatch) na sa pagitan ng Marso 2019 at Oktubre 2021, o sa panahon ng mga isa't kalahating taon, ay nawalan ang pamahalaan ng mga PhP8.85-Billion dahil sa under-declaration ng mga inangkat, under-declaration ng freight at insurance costs o charges, under-classification ng rice grades, at gayundin ng maling application ng tariff rates. Sa naunang mga importasyon ay ginamit pa ng mga negosyante ng kartel ang mga pekeng kooperatiba ng mga magsasaka (kuno) para makabawas sa babayarang taripa at buwis. Ang malaking kawalang ito sa kita ng pamahalaan ay napunta lamang sa bulsa ng mga kabilang sa kartel sa bigas, kabilang na ang pamilyang Villar na isa ring importer para sa kanilang mga retail stores na nagkalat sa buong bansa. Habang nagpapatuloy ang Rice Tariffication Law (o iyong Villar Law) ay magpapatuloy ang paghihirap ng mga nagtatanim ng palay, at ng mga consumers ng bigas. Magpapatuloy lamang rin ang pagpapasasa ng kartel sa pag-aangkat ng bigas.

 

Mga Patakarang Pumapabor sa mga Dayuhan

 

            Ang problema sa bigas ay hindi ang tanging problema ng ating agrikultura ; isa ring malaking problema ang pagkalagas ng ating paghahayupan dala ng mga peste, lalo na sa mga babuyan at manukan. Parang ito ay epekto ng biological warfare ng Estados Unidos, na siyang pangunahing exporter ng mga alagaing hayop para sa re-stocking ng ating mga poultry at hog farms. May mga paunang pag-aaral ang mga Partido Komunista sa Kazakhstan, Georgia, Pakistan, Latvia, atbp., hinggil sa biological warfare ng Estados Unidos na nakatuon sa pagpapakalat ng mga epidemya na makakaapekto sa malawak na hanay ng paghahayupan, mga pananim, at maging mga tao.

 

            Sa harap ng pagkalagas ng ating produksiyon ng baboy, ang tanging solusyon ng pamahalaan ay ang patuloy na pagpayag sa higit na tax-reduced imports ng karne. Ang naging kawalan na sa taripa ay umaabot na sa PhP3.7-Billion mula Abril 9 hanggang Disyembre 10, 2021, dahil sa binabaan ang taripa sa importasyon ng karne. Hindi naman ito napunta sa pagbaba ng presyo ng karne sa mga pamilihan, kundi naging dagdag lamang sa kita ng kartel ng mga importers ng karne. Sang-ayon kay Finance Secretary Domiguez, itutuloy ng pamahalaan ang patakaran ng pagpayag sa higit pang importasyon ng karne sa taong 2022. Ang minimum access volume (MAV) ng karneng baboy na 254,000 MT noong 2021, ay binabalak pang pataasin sa 2022.

 

            Sa mga patakaran ng administrasyong Digong ay makikita ang pagkiling nito sa interest ng mga dayuhang exporters at mga lokal na kartel ng mga importers. Malapit nang umalis sa posisyon si Digong, pero patuloy pa rin ang mga patakaran nito na pabor lalo na sa dayuhan. Nitong Disyembre lamang ay higit nitong pinaluwag ang Retail Trade Liberalization na inumpisahan ng nakaraang mga administrayon noon pang taong 2000. Ito'y sa pamamagitan ng bagong RA-11595 na higit na nagbubukas para sa mga dayuhan ng retail trade sa ating bansa. Kung dati ay may kailangang kabuuang puhunang PhP125-Million ang dayuhan para magtayo ng mga retail stores sa ating bansa, ngayon ay ibinaba na ito sa PhP25-Million na lamang. Kung dati, ang halaga ng bawat retail store ay dapat na hindi kukulangin sa PhP41.5-Million, sa ngayon, ang halaga'y ibinaba na sa PhP10-M na lang.

 

            Mangangahulugan ito ng pagkalat ng maraming mga retail stores na pag-aari ng mga dayuhan, pangunahin na ng mga Intsik na kaibigan ng administrasyong Digong, sa lahat ng bahagi ng ating kapuluan.  Parang babalik tayo sa panahon bago magkadigma, kung kailan kumalat sa ating buong bansa ang mga retail stores ng mga Hapon. Pagsiklab ng digmaan ay lumabas na mga de-ranggong opisyales pala ng mapanakop na hukbong Hapones ang mga nagpapatakbo ng mga retail stores na iyon.

 

            Parang babalik rin ang panahon ng parity rights ng Kano, na nilabanan ng PKP-1930 mula Hulyo 1946 hanggang sa panahon ng martial law. Ang mga retail stores nga palang ito ngayon ay pangunahin nang magtitinda ng mga produktong dayuhan na kukumpitensiya sa mga produkto ng ating mga lokal na gumagawa, pangunahin na sa mga produkto ng ating mga magsasaka.

 

Higit na Grabeng mga Bagyo, Dulot ng

Pagkasira ng Kapaligiran at Climate Change

 

            Ang mga magsasaka ang pangunahin nang biktima ng mga bagyong dumadalaw sa atin taun-taon, na higit na nagiging mabalasik dahil sa epekto ng pagkasira ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng climate change. Ito ay kagagawan ng mga pangunahing industriyalisadong bansa na gumagamit ng malaking bahagi ng mga resources na coal at produktong petrolyo. Sang-ayon mismo sa Department of Agriculture, ang halaga ng sinira ng bagyong Odette na dumaan kamakailan ay umaabot sa PhP3.1-Billion, na ang karamihang biktima ay mga magsasaka ng palay at mga mangingisda sa napakalawak na area mula Hilagang Mindanao, Davao at Caraga region, kabuuan ng Kabisayaan, at maging mga rehiyon ng Kabikulan, MIMAROPA at CALABARZON. Ang sinira ng bagyong Odette sa may 62,332-ektarya ng agricultual areas ay nagkakahalaga ng mahigit sa PhP1.7-Billion, samantalang ang losses ng mga mangingisda ay umabot sa mahigit sa PhP1.3-Billion.

 

            Nakalulunos na ang naunang malakas na bagyong Jolina ay nauna nang sumira sa 30,000-ektarya ng mga pananim mula Kabisayaan at hanggang Gitnang Luzon. Lalong nakalulungkot na ang mga nasalanta ay hindi agad matulungan ng pamahalaan, dahil sinabi agad ni Digong na wala nang pondo ang pamahalaan dahil sa naging gastos nito sa pagharap sa pandemyang Covid. Ito ay taliwas sa ulat ng COA na may PhP1.44-Trillion na pondo ang naka-tengga lamang sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na hindi nagagamit dahil ang mga proyektong dapat pondohan ng mga iyon ay matagal nang idle o inabandona na.

 

Pangkalahatang Krisis ng

Pambansang Kabuhayan

 

            Ang krisis sa agrikultura ng ating bansa ay bahagi lamang ng pangkalahatang krisis sa ating pambansang kabuhayan. Nakatali ang pamahalaan sa malaking pagkakautang na umaabot na sa mga PhP12-Trillion sa ngayon (mula sa dating PhP9.8-Trillion noong pagtatapos ng 2020). Ang pagkakautang ng pamahalaan ngayon, kung tutuusin sa bilang ng ating populasyong permanenteng nakatira sa Pilipinas (mga 100-milyon, pwera ang 10-milyong overseas Filipinos) ay lumalabas na mga PhP120,000.00 per capita, o utang ng bawat Pilipinong matanda man o bagong-panganak.

 

            Ang inaasahang pondo ng pamahalaan para sa mga gastusin nito ay nakasalalay na lamang sa mga Official Development Assistance o ODA (mga grants at pautang) mula sa mga financial institutions na kontrolado ng mga imperyalistang bansa. Pangunahin rito ang Asian Development Bank (magpapahiram ng $8.5-Billion), World Bank (magpapahiram ng $5.3-Billion), Japan International Cooperation Agency (magpapahiram ng PhP64-Billion para sa mga proyekto, at PhP20-Billion para sa pandemic response), at South Korea (magpapahiram ng $700-Million). Syempre pa, ang anumang pautang ay pangunahin nang gagamitin na pambili ng mga makinaryang gawa ng nagpapautang na bansa, at bilang pambayad sa project studies at consultancy fees ng kanilang mga kumpanya at opisyales.

 

            Ang bansang Hapon pa rin ang pangunahing inuutangan ng ating pamahalaan, at noong pagtatapos ng 2020 ay umabot sa $11-Billion ang ODA mula sa bansang iyon. Sa kabilang dako naman, ang pangako ng bansang Tsina noong umupo sa posisyon si Digong noong 2016 ay $9-Billion daw na “soft loans” at $15-B daw na “direct investments”, o may kabuuang PhP1.2-Trillion daw. Ngunit hanggang ngayon, kulang pa sa 5% ng ipinangako ang natupad, sa kabila ng mga pagbibigay ni Digong sa Tsina sa isyu ng West Philippine Sea.

 

            Sa pangkabuuan, ang ating pambansang kabuhayan ay patuloy pa ring kontrolado ng mga korporasyong transnasyunal ng mga imperyalistang bansa tulad ng Estados Unidos, Hapon, at mga kabilang sa European Union. Samantala naman, ang pambansang kalakalan ay kontrolado ng mga oligarko, pangunahin na ng mga taipans (tulad ng mga pamilyang Sy, Gokongwei, Gotianun, Uytengsu, Andrew Tan, Lucio Tan, atbp.) na siya na ring daluyan ng mga produkto at pamumuhunan ng Tsina na isa na rin ngayong pangunahing imperyalistang bansa.

 

            Sa ganitong pambansang kalagayan ng neokolonyal na kapitalismo, ang pandemya ay ginagamit pa ng uring kapitalista bilang sangkalan para sa higit nilang panghuhuthot at pagtatapyas sa karapatan ng mga manggagawa. Hindi nakapagtataka na sa panahong ito ng labis na paghihirap ng mga manggagawa at ng sambayanang Pilipino, higit lamang lumobo ang yaman ng mga dayuhan at lokal na oligarko. Para naman sa mga manggagawa, higit lamang tumaas ang unemployment sa nakaraang taon, na umabot sa 4.3-Milyong katao, o  8.9% ng lakas paggawa ng ating sambayanan.

 

Ang Pakikibaka para sa Demokrasya

ng Taumbayan at Sosyalismo

 

            Sa harap ng napakaraming mga suliraning kinakaharap ng ating bansa, at sa harap ng maraming mga restrictions na inilalapat bilang tugon sa pandemya, ang mga uring gumagawa sa Pilipinas ay dapat magpatuloy sa paglaban sa mga panggigipit at panghuhuthot ng mga lokal at dayuhang kapitalista. Kasama sa mga pangunahing dapat isulong ay ang mga kahingian para sa malawakang pagpapatupad sa repormang pangsakahan ; ang paglutas sa matagal nang mga kasong may kinalaman sa paglilipat ng mga lupa sa pag-aari ng mga tunay na nagsasaka doon ; ang pagtataas ng pasahod at benepisyo tungo sa lebel na makabubuhay sa pamilya ; at ang pagpapahusay sa pamantayang pangkalusugan at occupational safety sa lahat ng mga lugar ng trabaho.

 

            Kasabay nito ay dapat igiit ang karapatan ng lahat na makatanggap ng mga batayang serbisyong panlipunan mula sa pamahalaan –- ang pagpapalawak sa libreng edukasyon at ospitalisasyon ; ang pagkakaroon ng abot-kayang supply ng tubig at kuryente (sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga pribadong concessionaires, at muling pagsasabansa sa mga utilities na ito) ; ang pagtatakda ng nakabubuhay na pensiyon para sa mga retirado at may kapansanan ; ang pagkakaroon ng libreng irrigasyon para sa mga magsasaka ; at ang pagkakaroon ng abot-kayang pabahay sa lahat ng lugar.

 

            Sa yugto ng ating pakikibaka para sa demokrasya ng taumbayan ay dapat mapalakas ang pang-estadong sektor ng ating ekonomya, upang ang pamahalaan ay magkaroon ng kita para sa pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan. Hinggil rito ay dapat maisabansa muli ang industriya ng petrolyo, ang telecommunications, at ang operasyon ng lahat ng mga tollways, kasama na ang operasyon ng LRT at MRT sa  Kamaynilaan. Ang pang-estadong sektor ay dapat pumasok sa mga pinagkikitaang negosyo, at maglunsad ng programa para sa pambansang industriyalisasyon na siyang makapagbubukas ng maraming employment opportunities. 

 

            Kasabay nito ay dapat ring isulong ang pag-aalis sa mga dayuhang puwersang militar mula sa ating teritoryo ; ang pag-aalis sa diktasyon sa ating kabuhayan ng mga imperyalistang bangko at institusyong pampinansiya ; ang  pagtitigil sa mga patakaran ng privatization, corporate deregulation at import liberalization ; at ang pag-audit sa lahat ng mga utang panlabas, na nakatuon sa pagtatakwil sa mga bulok na mga utang panlabas na hindi naman pinakinabangan ng ating bansa at naging daan lamang para sa mga katiwalian.

 

            Dapat ring isulong  ang paglipat sa sistemang sosyalista na siyang tanging sagot sa krisis. Mangangahulugan ito pangunahin na ng paghawak ng uring manggagawa sa kapangyarihang pampulitika, at ang paglilipat ng pag-aari ng mga yaman ng bansa –- mga industriya, bangko, transportasyon (kasama na ang shipping at airlines), malls, paaralan, ospital, atbp. --- tungo sa pagkontrol ng pang-estadong sektor ng ekonomya. Sa sosyalismo, ang pagtutubo mula sa produksiyon o paggawa ay maaalis mula sa bulsa ng mga kapitalista o oligarko, at malilipat sa pang-estadong sektor na siyang titiyak na may sapat na pondo para sa mga pangangailangan ng edukasyon, ospitalisasyon, murang tubig at kuryente, at abot-kayang pabahay, transportasyon at pangkultura o pangpalakasang mga pagtatanghal.

 

            Ang sosyalismo ay mangangahulugan rin ng masusing pagpa-plano ng kabuuan ng pambansang kabuhayan, upang matiyak ang sapat na produksiyon ng mga pangangailangan, upang maiwasan ang anumang krisis sa over-production, upang matiyak ang pantay na lebel ng pag-unlad ng lahat ng bahagi ng bansa, at upang matiyak rin ang patuloy na pagbubukas ng trabaho para sa lumalaking bilang ng populasyon. Ang sosyalismo ay tunay na makataong sistema na magwawaksi sa pagiging makasarili, at sasanay sa lahat sa prinsipyo ng  pambansang pagkakaisa at internasyunalismo, ng tunay na pagkalinga sa kapwa.

 

            Ang sosyalismo ay ating maipagtatagumpay sa pamamagitan ng matibay na pagkakaisa at pagkilos ng mga uring gumagawa. Sa kabila ng lahat ng mga problema natin ngayon, dapat ay may positibong pananaw tayo tungo sa pagtatagumpay ng ating inaasam na sistemang sosyalista. Ang AMMMA at ang lahat ng mga kasapi nito ay may mahalagang papel sa pagsusulong ng pakikibaka tungo sa sosyalismo.

 

            Bilang pagtatapos, nais ko na lang ipaabot ang paunang pagbati sa mga mahahalal na bagong pamunuan ng AMMMA bilang resulta ng halalan sa Ika-7 Kongreso ninyong ito. Sana ay magpatuloy ang masiglang pagkilos at malakas na pakikibaka ng lahat ng kasapi ng AMMMA, at maging ligtas ang lahat mula sa banta ng pandemya.

 

            Mabuhay ang AMMMA !

            Mabuhay ang pagkakaisa ng mga uring gumagawa sa Pilipinas !

 

  1. TONY PARIS

                                                                                                            Pangkalahatang Kalihim

                                                                                                                          PKP-1930

 

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

 

 

ANG KOMPRONTASYON NG USA-NATO-EU

LABAN SA RUSYA, SA ISYU NG UKRAINE

 

            Ilang ulit nang ipinahayag nina Pangulong Vladimir Putin at Ministrong Panlabas Sergei Lavrov na ang Rusya ay walang balak na lumusob sa Ukraine. Ngunit patuloy ang propaganda nina Pangulong Joe Biden at Kalihim ng Estado Antony Blinken ng USA na napipinto na daw ang pagsalakay ng Rusya sa Ukraine, dahil may halos 100,000 nang mga tropang Ruso malapit sa border ng Donbass region sa silangang Ukraine. Ito daw ang dahilan kung bakit nagmamadaling magpadala ang USA at NATO sa Ukraine ng lahat ng mga makabagong armamento at mga military technicians at advisers.

 

            Tunay na may mga tropang Ruso malapit sa border ng Donbass Region mula pa noong Abril 2021, kung kailan sinimulan ng Ukraine ang pananalakay sa Donbass Region kung saan ang majority population na mga Ruso ay nagdeklara ng kanilang autonomous republics sa Luhansk at Donetsk. Ang mga puwersang Ruso ay handa, hindi para sa pagsalakay sa Ukraine, kundi para protektahan lamang ang populasyong Ruso sa Donbass Region. Ang pananalakay ng Ukraine sa Donbass Region ay ipinagbabawal sa ilalim ng  2015 Minsk Agreement na nagpatigil sa giyera sibil sa rehiyong iyon noong 2015. 

 

            Ngunit ang pag-init ngayon ng tensiyon ay may kinalaman sa breakdown ng negosasyon sa pagitan ng USA at Rusya nitong pag-uumpisa ng Enero, hinggil sa kahingian ng Rusya na huwag ibilang ang Ukraine sa NATO, at respetuhin ng kabilang panig ang security concerns ng Rusya. Sa 3 sesyon ng nasabing negosasyon ay ipinaliwanag ni Russian Deputy Foreign Minister Sergei Ryabkov ang lehitimong  oposisyon ng Rusya sa expansion ng NATO patungo sa border ng Rusya sa pamamagitan ng pagpasok ng Ukraine sa NATO.

 

            Para maintindihan ang nararamdaman ng mga Ruso sa pagpasok ng mga armamento at tropa ng NATO sa Ukraine, dapat lamang ma-imagine kung ano ang magiging reaksiyon ng USA sakaling may mga armamento at tropang Ruso na ipapasok sa Mexico o kaya ay sa Canada. Ngunit laging iginigiit ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman na may “open-door policy” ang NATO sa isyu ng Ukraine. Sa mga propaganda ngayon nina Biden ay parang nais pa ng USA na magkaroon ng insidente ng labanan sa pagitan ng mga tropa ng Rusya at Ukraine, upang magkaroon ng justification para mapabilang agad ang Ukraine sa NATO.

 

            Ang kapitalistang military-industrial complexes ng USA at NATO ay hindi naman maghahangad ng malawakang giyera laban sa Rusya, na maaaring matungo sa paggamit ng mga armas nukleyar at sa pagkagunaw ng mundo. Nais lamang nila na manatili ang mataas na lebel ng tensiyon upang ma-justify ang patuloy na pagbubuhos ng budget sa kanilang pinagkikitaang mga mamahaling armamento. Pero ang sitwasyon ng tension ngayon ay maaaring matungo bigla sa gayung digmaan dahil sa aksidente o sa isang probokatibong teroristang pag-atake mula sa iba pang panig. Sa kasalukuyang krisis sa isyu ng Ukraine, dapat alalahanin lagi na ang USA at ang Rusya ay parehong may kakayahang nukleyar na gunawin nang ilang ulit ang buong mundo. Dapat kumilos ang lahat ng mga mamamayang nagmamahal sa kapayapaan upang hingin sa magkabilang panig, at lalo na sa rehimeng Biden, na itigil na ang napaka-delikadong “brinkmanship” nila.

 

            Sa isyu ng Ukraine ay dapat alalahanin lagi na ang kaguluhan doon ay nag-umpisa dahil sa kudeta na isinagawa ng mga puwersang neo-nazi noong 2014. Ang kudeta ay tuwirang ginatungan ng mga opisyales ng USA, kasama na ng mga senador noon na sina Joe Biden at Victoria Nuland. Si Nuland ay naroon mismo sa mga lansangan ng Kiev, ang kapitolyo ng Ukraine, kung kailan sumugod ang mga pasistang puwersa upang ibagsak ang lehitimong administrasyong malapit ang relasyon sa Rusya. Ang pumalit na maka-pasistang rehimen ay agad nag-utos ng pagbabawal sa paggamit sa lengguwaheng Ruso, sa kabila ng pagkakaroon ng majority population na mga Ruso sa silangang mga probinsiya ng Ukraine.

 

            Ang Donetsk at Luhansk (sa silangang Donbass Region) ay nagdeklara ng kanilang paghiwalay mula sa Ukraine, at gayundin ang ginawa ng Crimea. Ang Crimea, kung saan naroon ang Black Sea Naval Base ng Rusya, ay nabalik bilang bahagi ng Rusya. Ang Donetsk at Luhansk naman ay nagdeklara bilang mga autonomous republics. Patuloy na nagbibigay ang Rusya ng humanitarian assistance sa Donetsk at Luhansk. Ang pagkakatalaga ng mga tropang Ruso malapit sa silangang border ng Donbass Region ay para lamang sa proteksiyon ng mga autonomous republics na iyon, at hindi para gamitin sa pananalakay  sa Ukraine.

 

            Sang-ayon sa Minsk Agreement na nagpatigil sa giyera sibil sa rehiyong iyon noong 2015, kikilalanin ang full autonomy ng mga silanganing rehiyon (pero sa ilalim ng pambansang soberanya ng Ukraine), ang decentralization ng kapangyarihan ng pamahalaan, at ang demilitarization ng buong bansa. Ang Minsk Agreement ay inindorso ng UN Security Council, at kasama ang Ukraine, Rusya, Pransiya at Alemanya sa pumirma doon. Ngunit hindi pumirma doon ang USA, na patuloy pa ring sumusuporta sa pananalakay ng Ukraine sa Donetsk at Luhansk sa silangang Donbass Region.

 

            Si Victoria Nuland ay Undersecretary of State ngayon sa ilalim ng panguluhan ni Biden, at patuloy na sumusuporta sa mga puwersang neo-nazi na kontra-Ruso sa Ukraine. Ang mga puwersang neo-nazi ay na-integrate na sa opisyal na sandatahang lakas ng Ukraine, na sinasanay, inaarmahan at nirere-organisa ng mga military specialists mula sa USA, Britanya, Canada at iba pang mga bansang kabilang sa NATO. Ang mga puwersang neo-nazi ay responsable sa mga racist na pag-atake sa mga ethnic Russians at Hudyo sa Ukraine.

 

            Ang pamahalaan sa Kiev ay patuloy sa pagbibigay-papuri sa mga dating Ukrainian collaborators ng nazi German occupation forces noong World War II. Ang mga lansangan na dating nakapangalan sa mga bayaning Sobyet na lumaban sa pasismo, ay pinapalitan tungo sa pangalan ng mga kilalang collaborators noon ng mga nazi. Ang mga parke kung saan inalis ang mga monumento ng mga bayaning Sobyet ay nilalagyan ngayon ng mga monumento ng mga papet noon ni Hitler. Ang kasaysayan ng Ukraine ay binabago ng kasalukuyang rehimen sa Kiev upang pasamain ang mga tunay na bayani, at pagandahin ang imahe ng mga nakipagsabwatan sa mga mananakop na puwersang nazi ng Alemanya.

 

            Isang nais ng rehimeng Biden kaugnay sa tensiyon ngayon sa Ukraine ay ang pagtutulak sa European Union na maglapat ng sanctions laban sa Rusya. Nais ni Biden na ang proyektong “Nord Stream-2” pipeline, na dadaan sa ilalim ng Baltic Sea upang magdala ng natural gas mula kanlurang Rusya patungo sa hilagang Alemanya, ay agad matigil. Bilang kapalit ay nais ng mga kumpanyang Kano na sila ang mag-supply ng natural gas sa Alemanya. Ang makapangyarihang mga negosyo at institusyon sa USA --- ang military-industrial complex at ang dambuhalang mga korporasyon sa enerhiya --- ay atat sa pagtutulak ng isang bagong “cold war” laban sa Rusya, na makapagdadala sa kanila ng maraming mga oportunidad para sa higit na pagpapatubo. 

 

            Ang pagpapatuloy ng tensiyon ay sa kapakinabangan ng mga kapitalistang monopolyo, kaya kailangan nila ang imahe ng isang demonyong kaaway. Kung wala naman silang tunay na kaaway ay mag-iimbento sila nito, tulad ng ginawa nila noon na pag-prisinta sa Afghanistan, Iraq at Libya bilang mga demonyong kaaway ng pandaigdigang “demokrasya”, bago nila nilusob at winasak ang mga iyon. Sa ngayon ay convenient para sa mga imperyalistang korporasyon na i-prisinta ang Rusya bilang pangunahing kaaway, hindi lamang ng Ukraine, kundi ng buong mundo. Ito ang nasa likod ng pag-demonize ngayon ng imperyalismong Kano sa Rusya at kay Putin bilang mga imbing kaaway ng sangkatauhan.

 

            Sa kabilang dako naman, ang kapitalistang Rusya ngayon ay hindi na ang dating sosyalistang Unyong Sobyet. Ang Rusya ngayon ay isa na ring imperyalistang bansa na nakapagmana sa dambuhalang nuclear arsenal ng dating Unyong Sobyet. Ang Rusya ay kalahok sa  mabalasik na pakikipag-kumpetensiya sa iba pang imperyalistang bansa, para sa pagsusulong sa kapakanan ng mga monopolistang Ruso, at hindi  para sa kapakanan ng sambayanang Ruso. Ang kapitalismong Ruso ay aktibong lumalahok sa pandaigdigang kumpetisyon para sa panghuhuthot sa nakararami, at tungo sa pagtutubo ng iilan. Ang tensiyon at  digmaan ay tunay na nagmumula sa mahayap na labanan ng mga monopolyo, ng mga uring burges at ng kanilang mga alyansa para sa pagkontrol sa mga hilaw na sangkap, mga  ruta ng transportasyon, at mga shares o pagbabahagi  ng mga merkado.

 

            Saan mang lugar sa mundo nakakapangibabaw ang sistemang kapitalista, doon ay hindi malulutas ang mga problema na nagdudulot ng insecurity sa mga tao --- and kahirapan, kagutuman, kawalang-kapantayan, unemployment, kakulangan ng mga batayang serbisyong publiko, mga karamdaman, pagkasira ng kapaligiran at climate change, at paglobo ng dambuhalang mga arsenal ng mga mapamuksang sandata. Ang kapitalismo kailanman ay hindi magiging makatao. Paulit-ulit lamang ang magiging pagtatanim ng tensiyon, paglalapat ng sanctions, at pananakot ng digmaan, habang ang sistemang kapitalista ang nakapananaig. Kinakailangan at napapanahon na ang pagwawaksi ng mga sambayanan sa mapanghuthot at barbarikong sistemang kapitalista, sa lahat ng panig ng daigdig, pangunahin na sa mga bansang imperyalista. Ang tanging solusyon para sa lahat ng sambayanan para maalis ang komprontasyon at matiyak ang kapayapaan ay ang pakikibaka para sa paglipat tungo sa makataong sistema ng sosyalismo.

 

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

 

 

ILANG PANANAW SA ELEKSIYON SA DARATING NA MAYO

(Panayam sa Pagdiriwang ng Ika-26 na Anibersaryo

at Ika-7 Kongreso ng AMMMA, Enero 7, 2022)

 

Mga kasama at mga kaibigan,

 

            Marami na ang nagtatanong hinggil sa darating na halalan, kaya marapatin ninyo na magbigay ako ng ilang pananaw hinggil rito.

 

            Sa darating na Mayo ay ihahalal natin sa pambansang posisyon, sa terminong 6 na taon, ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, at 12 Senador. Gayundin, ihahalal natin ang mga kinatawan ng mga Partylist Organizations, sa terminong 3 taon. Maghahalal rin ng mga pang-distritong representante, sa terminong 3 taon din, para bumuo sa bagong Kamara.

 

            Para sa mga lokal na pamahalaan, maghahalal ng mga gobernador, bise-gobernador at mga bokal ; at mga alkalde, bise-alkalde at mga konsehal, para sa 3 taong panunungkulan rin. Ang tanging hindi mapapalitan ay ang mga opisyales ng Bangsamoro Autonomous Region in Moslem Mindanao (BARMM), dahil pinagbigyan ang kanilang kahilingan na huwag munang magdaos ng eleksiyon sa kanilang lugar. Gayundin, hindi pa magkakaroon ng eleksiyon ng mga pinuno ng mga barangay.

 

            Sa gaganaping eleksiyon ay maaaring makalahok ang hanggang 65-Milyong rehistradong botante, kasama na ang mga boboto sa mga konsulado at embahada ng Pilipinas sa labas ng bansa. Tinataya ng COMELEC na mga 32.7-Milyong rehistradong botante (o mga kalahati ng kabuuang bilang) ang maituturing na kabataan – o iyong nasa mga edad na 18 hanggang 30. Tinataya rin ng COMELEC na mga 5.4-Milyong rehistradong botante ang boboto sa unang pagkakataon. Hindi matitiyak na ang mga kabataang botante ay boboto nang tumpak para sa tunay na bagbabago ng ating sistemang panlipunan, na maaaring hindi nauunawaan ng karamihan. Ito'y dahil sa sila man ay produkto pa rin ng neokolonyal na edukasyon at maling pagbasa sa ating pambansang kasaysayan, at nananatiling nasa hibo pa rin ng mga institusyong relihiyoso, samahang rehiyonalista, at makitid na mga kapakanang pampamilya.

 

            Simula pa noong pamahalaang Commonwealth sa ilalim ng kolonyalismong Kano, ang mga nahahalal sa iba't-ibang posisyon ay pawang mga kinatawan ng mga lokal na burgesya o mga asyendero, at pawang naglingkod sa kapakinabangan ng kolonyal na sistemang kapitalista at piyudal, at gayundin sa kapakinabangan ng kanilang sariling mga pamilya. Sa paglipat ng porma ng pamamahala mula sa tuwirang kolonyalismo tungo sa neo-kolonyalismo noong 1946, nagpatuloy ang gayong kalakaran.

 

            Ang mga dating papet ng Kano, na nagsilbing mga papet ng Hapon noong panahon ng digmaan, ay muling ibinalik sa katungkulan noong 1946, sa tulong mismo ng mga Kano. Ang nagwaging mga progresibong kinatawan ng mga mamamayang gumagawa, sa ilalim ng Democratic Alliance (DA), ay hindi pinayagang makaupo sa Kamara upang walang makapipigil sa imposisyon ng “parity rights”, base militar at iba pang nais ipatupad ng imperyalismong Kano sa Pilipinas.

 

Ang Eleksiyon Bilang Paraan ng

Pagtatanim ng Bagong Ilusyon

            Lahat ng mga rehimeng nagpalit-palit sa pamahalaan simula noon hanggang ngayon, sa ngalan man ng partido “nacionalista”, “liberal”, “KBL”, “Lakas-CMD”, “PDP-Laban”, atbp., ay pawang mga rehimeng burges na naglingkod sa sariling kapakanan, at gayundin sa kapakanan ng mga pinansiyero nilang mga kapitalista't oligarko. Ang iba't-ibang partidong burges ay pawang mga personal domains lamang ng nangungunang political dynasty sa bawat partidong iyon. Sila ang gumagawa ng programa ng partido nila, na kadalasa'y pang-akit lamang sa mga botante ngunit hindi naman tunay na nilalayong maisagawa. Sila lamang ang nagno-nominate ng kandidato ng kanilang partido, at nangangalap ng pondo mula sa lokal na oligarkiya at mga dayuhang mamumuhunan.

 

            Magpalit-palit man panaka-naka ang mga mukha ng mga kinatawan ng iba't-ibang dynasties ng mga warlords at traditional politicians mula sa iba't-ibang lalawigan o lokalidad, wala ring tunay na pagbabago dahil lahat sila ay nagtatanggol sa neokolonyal na sistemang kapitalista, at lahat sila ay nakatuon sa pagpapatuloy ng sistemang ito na kanila namang pinakikinabangan.

 

            Tuwing halalan ay binibigyan ang mga botante at ang sambayanan ng bagong ilusyon hinggil sa kagandahan daw ng ating sistemang “demokratiko”, at sa sinasabi nilang mangyayaring “pagbabago”, gaano man kababaw ang pangangahulugan nila dito. Inilalahad ng mga pulitiko ang kanilang mga pagkakaiba bilang magkakaibang mga “variants” ng mga tagapagtanggol sa puhunan. Ngunit matapos ng eleksiyon ay balik rin naman sa di-makatarungang at kontra-demokratikong sistema ng neokolonyal na kapitalismo, at sa dating kalakaran ng katiwalian at pandarambong sa kaban ng bayan.

 

            Bilang isang Marxista-Leninistang partido ng mga mamamayang gumagawa sa Pilipinas, ang PKP-1930 ay hindi pumapanig o nagtatanggol sa alinmang “variant” ng mga tagapagtaguyod ng kapitalismo, sa alinmang rehimen o partidong kapitalista. Ang PKP-1930 ay nagtataguyod sa makauring pakikibaka tungo sa kaunlaran sa mga larangang panlipunan, sa mga karapatang demokratiko, sa pagpapahusay ng kapaligiran, at sa pagtatanggol sa kapayapaan, habang ang mga ito ay naipaglalaban pa sa kasalukuyang sistema.

 

            Ang  PKP-1930 ay nananangan sa pakikibaka laban sa kapitalismo, at tungo sa pagtatayo ng sosyalismo. Walang ilusyon ang PKP-1930 na ang sinuman sa mga tumatakbong personalidad o partidong maka-kapitalista ay makalulutas sa mga suliranin ng ating bansa, ng ating lipunan, at ng ating kapaligiran o environment. Ito'y dahil sa ang mga suliraning iyon ay resulta mismo ng pagka-ganid ng mga kapitalista, ng kanilang panghuhuthot at pang-aapi, ng kanilang pagsuporta sa imperyalistang pananalakay at panlulupig.

 

            Lahat ng mga personalidad at partido sa nakaraang mga rehimen ay may responsibilidad sa kasalukuyang kalagayan ng kakulangan sa kalingang pangkalusugan laban sa pandemya, ng pagtaas ng unemployment at inflation, ng pagtapyas sa benepisyo ng mga manggagawa, ng paniniil sa mga karapatang pampulitika at demokratiko, ng pagsalaula sa kapaligiran na nahahantong sa climate change, ng diskriminasyon sa kababaihan, at ng muling pagbangon  ng  militarismo. Ang mga ito ay pawang mga resulta ng mga pampamahalaang patakaran na pumapabor sa kapitalista at sa imperyalismo. Ang makauring pakikibaka tungo sa sosyalismo ang tanging kaligtasan mula sa kapitalistang krisis, mula sa panghuhuthot at pang-aapi, mula sa banta ng pagkakadamay sa anumang digmaan sa pagitan ng mga bansang imperyalista.

 

Mga Mahahalagang Isyu

sa Darating na Halalan

 

            Isang pangunahing isyu sa pagpili ng ihahalal ay ang isyu ng pagtatanggol sa ating maritime rights sa West Philippine Sea, sang-ayon sa Arbitral Award na naipanalo ng Pilipinas laban sa Tsina. Ang ginawang pag-agaw ng Tsina sa mga isla at batuhan sa West Philippine Sea, at ang pagpipilit ng Tsina sa kanyang “9-Dash Line” na labag sa UN Convention on  the Law of the Sea (UNCLOS), ay mga isyu na dapat harapin nang buong tapang at hinahon ng susunod na administrasyon.

 

            Hindi na dapat magpaloko pa ang mga botante sa mga kasinungalingan ng nagsasabi na siya kunwari ay magje-“jetski” patungo sa islang sinakop ng Tsina, samantalang siya pala ang lihim na taga-suporta ng Tsina. Ang mahahalal na pinuno ng bansa ay dapat na may nakahandang plano kung paano kukunin ang suporta ng maraming mga bansa, sa pamamagitan ng UN General Assembly, para sa ating naipagwagiang Arbitral Award laban sa Tsina noon pang 2016.

 

            Ang pangalawang isyu sa pagpili ng iboboto ay ang isyu ng mga karapatang pantao. Ang nangyaring mga abuso sa ilalim ng kampanyang kontra-droga ni Digong –- ang pagmamaliit sa halaga ng buhay ng maraming mga biktima ng kampanyang iyon, na ang karamihan ay mga mahihirap –- ay hindi na dapat maulit pa. Ang susunod na administrasyon ay dapat ring maging handa sa anumang kahilingan ng International Criminal Court (ICC) ukol sa pag-imbestiga nito sa mga ginawa ni Digong sa ilalim ng nasabing kampanyang kontra-droga. 

 

            Ang ikatlong isyu sa pagpili ng iboboto ay ang isyu ng katiwalian at pandarambong sa pamahalaan. Ipinakita sa imbestigasyon ng Senado sa kumpanyang Pharmally na iyon ay nabigyan ng malaking pabor dahil lamang sa pagiging malapit kay Digong ng ilang pinuno ng kumpanyang iyon. Nakinabang nang husto ang Tsina mula sa katiwaliang iyon, at pilit na pinagtakpan ni Digong ang nangyaring pandarambong, sa pamamagitan ng pag-uutos na walang opisyal ng ehekutibo ang maaaring tumestigo sa imbestigasyon ng Senado. Ipinagbawal pa ni Digong ang paglalabas ng mga kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyales ng pamahalaan.

 

            Sa tatlong mga isyung ito ay bagsak ang partido ng administrasyon – ang “Unity Team” na pinangungunahan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. Ang kawalang tapang ni Digong sa pagtatanggol sa ating Arbitral Award laban sa Tsina (tinawag niya mismo ang kanyang sarili bilang “inutile” sa pagharap sa Tsina) ay tiyak lamang na itutuloy ng tandem na BBM-Sara. Titiyakin rin ng tandem na ito na ang mga paglabag sa mga karapatang pantao sa panahon ng diktadurang Marcos at ng rehimeng Digong ay maitatago at maibaon na. At gayundin ang mga pandarambong sa kaban ng bayan na nangyari sa panahon ng diktadurang Marcos at ng rehimeng Digong.

 

            Sa isyu ng pandarambong ay mapapansin na ang “Unity Team” na binuo ng mga grupong Marcos, Duterte, Gloria Arroyo at Erap Estrada, na pawang may batik ng pandarambong sa panahon ng kanilang panunungkulan. Pinipilit ni Bongbong na walang ninakaw ang pamilyang Marcos sa panahon ng diktadura, at ang malaking yaman niya ay hindi daw nanggaling sa kaban ng bayan. Si Sara naman ay nagtatanggol sa kalinisan daw ng mga transaksiyon ng kanyang tatay sa buong panahon ng panunungkulan nito.

 

            Ngunit sa kabila ng kanilang pagmamalinis ay isinama naman nila sa kanilang senatorial line-up sina Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada na kapwa nakulong sa kasong plunder dahil sa pagkaka-ugnay sa “Pork Barrel” scam ni Janet Lim Napoles. Kasama rin sa “Unity Team” na ito si Mark Villar, na maaasahang magpapatuloy sa mga patakarang kontra-magsasaka ng kanyang inang si Senadora Cynthia Villar.

 

            Ang pagsisinungaling ni BBM hinggil sa kanyang kumpletong pagtatapos diumano ng pag-aaral sa Wharton at Oxford, ang kanyang criminal conviction sa salang hindi pagpa-file ng kanyang Income Tax Return sa apat na taon, at ang kanyang pagyayabang na “golden age” daw ng Pilipinas ang panahon ng diktadura ng kanyang tatay, ay patuloy na hihila sa kanyang kredibilidad.

 

            Mayroon ring ilang kuwestiyon hinggil sa iba pang mga pangunahing kandidato sa pagka-pangulo, ngunit ang mga iyon ay hindi maihahambing sa grabeng mga depekto ni BBM. Si Leni Robredo ay tinitignan bilang tao ng mga oligarko at ng simbahan na nais makaganti kay Digong. Si Ping Lacson ay hinahabol ng isyu ng kanyang matagal na pagtatago nang siya ay kinasuhan. Si Isko Domagoso ay pinipintasan sa kanyang pag-atake kay Digong sa umpisa pero biglang humiling ng indorsement ni Digong nang mag-withdraw na sa kandidatura si Bong Go na una nang pinatakbo ni  Digong. Ang mga ito ay  tiyak na magtutuloy sa kanilang kandidatura hanggang sa huli, at hindi maglilipat ng pagsuporta sa sinumang kapwa kandidato.

 

            Para na lamang sa mga boboto, kung sino man sa mga kandidatong ito ang lalabas sa mga credible surveys na nakakaagapay sa ranking ni BBM, iyon ang maaaring pagkaisahang susuportahan para lamang huwag manalo si BBM na siyang pinakamalaking banta ngayon sa demokratikong proseso sa ating  bansa. Ang iba pa sa mga kandidato sa pagka-pangulo (Manny Pacquiao, Ernesto Abella, Leody de Guzman, atbp.) ay hindi  inaasahang makakakuha ng sapat na boto, ngunit makatutulong pa rin sila kung ibabaling at ibibigay nila, bago sa araw ng halalan, ang kanilang suporta sa iisang pinagkaisahang kandidato bilang dagdag na pangtapat kay BBM.

 

            Nakalulungkot para sa mga manggagawa at magsasaka sa ating bansa na ang pagpili ngayon ng kandidato ay mauuwi pa rin sa pagpili ng “lesser evil”, pero ito ang realidad sa ating eleksiyon gawa ng pagkakahanay ng kasalukuyang mga kandidato. Hindi natin pwedeng pabayaan na magwagi ang grupo ng rehimen ngayon, na magpapatuloy lamang sa pagpapasupapi sa Tsina sa isyu ng West Philippine Sea, magbubura sa mga isyu ng paglabag sa mga karapatang pantao, at malamang na higit pang makagagawa ng pandarambong kapag naka-pwesto sa pamahalaan.

 

            Medyo malayo pa rin naman ang araw ng eleksiyon, at marami pang mga pangyayari ang maaaring maganap. Maaari nating mapag-usapan muli ang usaping ito ng eleksiyon sa darating na ilang buwan.

 

                                                                                                                    Ka. Tony Paris

                                                                                                            Pangkalahatang Kalihim

                                                                                                                          PKP-1930

 

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

 

 

PAMIMILI NG ADMINISTRASYONG DIGONG NG MGA KANYON,

ARMORED MORTAR SYSTEMS AT TANGKE MULA SA ISRAEL ---

ISANG MALING  PAGSUPORTA SA ZIONISTANG PANANAKOP

AT PAMAMASLANG NG ISRAEL SA PALESTINE

 

          Noong nakaraang taon ay nagpahayag ng balak si Pangulong Digong na bumili ng missiles mula sa Israel, na nais niyang mailagay sa 2 bagong mga barko ng Philippine Navy. Ngayon ay dumating naman ang binili niya mula sa Israel na  12 “Atmos” 155-millimeter self-propelled howitzers, at 15 “M125A2” armored mortar carriers na may 120-millimeter mounted mortar systems. Ang mga ito ay pawang gawa ng kumpanyang Elbit Systems ng Israel.

 

          Inaasahan rin ang pagdating sa taong ito ng 20 “Sabrah ASCOD” light tanks na binili rin ng administrasyong Digong. Bumili pa rin ang administrasyong Digong ng 10 “Sabrah PANDUR” light tanks na darating naman sa 2023, kahit tapos na ang termino sa pagka-pangulo ni Digong. Ang kabuuang 30 “Sabra ASCOD” at “Sabra PANDUR” light tanks ay gawa rin ng Elbit Systems ng Israel, at may parehas na 105-millimeter cannons, at gagastusan ng P9.4-Billion sa ilalim ng isang government-to-government deal sa Israel.

 

          Ang unang  asawa ni Digong ay isang Hudyo, si Digong at Inday Sara ay kapwa nagtungo na sa Israel, at ipinahayag ni Inday Sara na kapag siya ay mahalal ay pahuhusayin pa niya ang relasyon ng Pilipinas sa Israel. Nagpahayag pa si Inday Sara ng paghanga sa sistema ng military training ng mga mamamayan ng Israel, na dapat daw gayahin sa pamamagitan ng pagbabalik ng ROTC training sa mga kolehiyo sa Pilipinas.

 

          Sa panahon ng administrasyong Digong ay nawala ang dating pagsuporta ng Pilipinas sa hangarin ng sambayanang Palestino na lumaya mula sa mabangis na pananakop na kolonyal at sistemang apartheid ng zionistang pamahalaan ng Israel. Ang pamimili ng administrasyong Digong ng mga armamento mula sa Israel ay isang tuwirang pagsuporta sa zionistang pananakop at pandarahas ng Israel sa Palestine. Ang PKP-1930 ay nagpapahayag ng mariing pagtutol sa nangyayaring kooperasyong militar sa pagitan ng Pilipinas at ng zionistang Israel.  

 

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

 

 

JOINT STATEMENT OF COMMUNIST AND WORKERS’ PARTIES :

ON THE VALUABLE EXPERIENCE OF THE GREAT STRIKES

AND DEMONSTRATIONS OF THE WORKING CLASS

AND THE PEOPLE OF KAZAKHSTAN

 

[Paunawa : Ang kasunod na Pinagkaisahang Pahayag ng mga partido ay sa inisyatiba ng Socialist Movement of Kazakhstan (SMK), Partido Komunista ng Gresya (KKE) at Partido Komunista ng Turkey (TKP) upang maipaliwanag ang ugat ng kaguluhan ngayon sa Kazakhstan, at upang manawagan para sa pagpapalakas sa pandaigdigang pakikipagkaisa sa mga nag-aaklas na pederasyon ng mga manggagawa sa bansang iyon.]

 

  1. At the beginning of 2022, Kazakhstan, the former Soviet Republic of Central Asia, has been shaken by mass workers’ and people’s mobilizations, whose cause lies in the sharpened economic, social, and political problems faced by workers due to the restoration of capitalism in the country, 30 years after the counter-revolution and the dissolution of the USSR, when the power and the means of production passed into the hands of capital and the multinational monopolies now control a large part of the mining sector of the economy.

 

  1. The Communist and Workers Parties signing this Joint Statement express our solidarity with the just economic and political demands of the demonstrators, who demanded increases in salaries and pensions, reduction in fuel prices, lower retirement age, the cancellation of the effects of privatizations, measures to support the unemployed, trade union and political freedoms and rights. We particularly salute the industrial workers of Western Kazakhstan, who were the heart of this mass people’s mobilization.

 

  1. The bourgeois forces attempted to take advantage of the mobilizations in Alma-Ata and South Kazakhstan, in the framework of their power struggle for the distribution of the pie of their economic and political power.

 

  1. The unacceptable Russian military intervention through the Collective Security Treaty Organization (CSTO), led by Russia, was utilized to avert the shock of bourgeois power in conditions of sharpening of the imperialist competition in the crucial region of Central Asia, which is a field of a fierce power struggle among powerful monopolies and capitalist states, such as the USA.

 

  1. The presence of the CSTO forces facilitated the repression of people’s mobilizations by the bourgeois state. The developments demonstrate the class character of transnational unions, which, like the EU and NATO, are formed on the basis of capitalism and undertake the primary task of safeguarding bourgeois power in each country and the union overall to continue the class exploitation of the workers. The existence and activity of these unions, as indicated by the recent case of Kazakhstan, is anti-popular and to be condemned.

 

  1. Regarding the efforts of imperialist forces who aim to exploit such workers' mobilizations for their own interests and to yield color revolutions, our parties emphasize that these interventions can be invalidated, not by stigmatizing all kinds of popular mobilization, but by defending the independent struggle of the working class and rejecting any political-ideological-organizational involvement with any regional or international power. The international communist movement cannot seek for a friend from within the imperialist world nor can postpone the class struggle using the international balance of forces as a pretext. On the other hand, it is the duty of the communist movement to safeguard the social mobilizations from the plans of the bourgeois governments and the inter-bourgeois antagonisms and to be vigilant in this matter.

 

  1. The developments in Kazakhstan stress the need for a strong CP in every country, with a revolutionary programme and strong ties with the working class, capable of rallying and mobilizing workers’–people’s forces against capitalism and monopolies so that the people’s struggle will be effective and will highlight the path of socialism, which is the only alternative solution to capitalist barbarism.

 

  1. The events in Kazakhstan and other countries, where the bourgeois power forcibly suppressed the people’s mobilizations, once again demonstrate the great importance of the international solidarity of the workers and the timeliness of the slogan : “PROLETARIANS OF ALL COUNTRIES, UNITE !”.

 

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

 

                                                                                                                       

MESSAGE OF CONDOLENCE ON THE PASSING AWAY

OF DEAN MERLIN M. MAGALLONA, A

FORMER GENERAL SECRETARY OF THE PKP-1930

(August 6, 1934 – January 1, 2022)

 

            It is with sadness that the Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930, the Philippine Communist Party) belatedly learned of the passing away on January 1st, 2022, at the age of over 87 years, of Comrade Merlin M. Magallona (also known within the Party as “Ka. Vidal”), who was the General Secretary of the PKP-1930 from 1987 to mid-1993. Previous to that position, he was a leading member of the Politburo of the Central Committee, and a member of the Party Secretariat, heading the Ideological Affairs Department.

 

            A noted professor and expert in public international law, he served as dean of the College of Law of the University of the Philippines, and headed the International Studies Institute of the Philippines. A book author, columnist, lecturer and bar reviewer, he also served as undersecretary for overseas Filipino workers' affairs of the Department of Foreign Affairs for a few years during the secretaryship of Vice-President Teofisto Guingona.

 

            The PKP-1930 highly values his lengthy services as a cadre and leader of the Party from the 1960s to mid-1993, and his advisory positions in several mass organizations during the same period. He was responsible for a number of the Party's polemics against maoism and trotskyism during the late 1960s and early 1970s.

 

            Held as a political detainee under martial law, he served as one of the main negotiators of the Party with the Marcos martial law regime, with the negotiations leading to the Political Settlement of November 1974. Under that landmark agreement, the Party regained legal status and was able to rebuild legal mass organizations ; political prisoners and detainees belonging to the Party and its pre-martial-law mass organizations were granted amnesty and freed ; and surviving members of the Party-led HUKBALAHAP guerrilla army were given recognition and benefits as Filipino World War 2 veterans.

 

            In exchange, the Party renounced the armed struggle, dissolved the Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB, the People's Liberation Army) and surrendered its remaining weapons. All these steps were in line with the Party's much earlier realization of the need to regain legal status for the Party to bring its communist advocacies to the masses of our people ; and of the futility of the armed struggle in gaining political power, given the absence of prospects for a revolutionary situation.

 

            The PKP-1930 thanks Cde. Merlin M. Magallona's past contributions for the cause of the Party and the international communist movement, and extends heartfelt condolences to his bereaved family and friends.

 

                                                                                    Secretariat of the Central Committee

                                                                                                            January 05, 2022

 

- - -   o o o   0 0 0   o o o   - - -

 

 

MESSAGE  OF CONDOLENCE ON THE PASSING AWAY

OF COMRADE ARACELI (“KA. NENE”) P. MALLARI, AN

HONORARY MEMBER OF THE PKP-1930 CENTRAL COMMITTEE

(March 18, 1922 – January 10, 2022)

 

            The Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930) is very sad to learn of the passing away today of Comrade Araceli (“Ka. Nene”) P. Mallari, a long-time Honorary Member of the Party's Central Committee, at the age of almost 100. She was an ardent patriot who joined the Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP, the People's Anti-Japanese Army) in 1942, during the WW-II Japanese occupation, and had always been active in social issues since then.

 

            Ka. Nene and her husband were active in the Philippine struggles against imperialist wars and interventions (particularly during the US wars against Vietnam, Laos and Cambodia), for the removal of US military bases and forces from the Philippines, for peace and non-alignment, for the defense of national sovereignty and territorial integrity, for working-class power and socialism.

 

            Her husband (who predeceased her by over a decade) was Godofredo Mallari, a peasant leader who was among the first Filipino political students in Moscow in the 1930s, who became head of the Education Department of the HUKBALAHAP, who was a long-time political detainee during the anti-communist witchhunt in the 1950, who was among the leading organizers of the MASAKA farmers' federation which was declared illegal under martial law, and who went on to form urban poor and other mass organizations until the 1980s.

 

            Ka. Nene and her husband were among those who criticized the adventurist Party leadership of the late 1940s and the 1950s, whose armed struggle strategy in the absence of a revolutionary situation led to disastrous consequences for the Party, and the decimation of its forces in many one-sided battles against the US-directed state forces during  that period. 

 

            Always gracious hosts, Ka. Nene and her husband hosted numerous meetings of the Party and of different progressive organizations at their house in Caloocan, including the historic meeting in April 1967 of the Provisional Central Committee of the PKP, which led to the expulsion of maoist leaders Jose Ma. Sison, Nilo Tayag and Arthur Garcia for adventurism and splittism. Since the 1960s, Ka. Nene and her husband always stood for non-violent forms of struggle in the context of Philippine reality.

 

            In her multifaceted mass activities, Ka. Nene was a long-time member of the Executive Boards of the Philippine Peace and Solidarity Council (PPSC) and of the Philippine-Cuban Friendship Society (PCFS), as well as of the National Council of the Katipunan ng Bagong Pilipina (KaBaPa, the Association of New Filipina Women). She had also been an office-bearer of the Philippine-Vietnam Friendship Society and the HUKBALAHAP Veterans' Federation.

 

            The PKP-1930 sends hearfelt condolences to Ka. Nene's bereaved family members, and to all her loved ones and friends.

 

                                                                                    Secretariat of the Central Committee

                                                                                                            January 10, 2022

 

- - -   o o o   0 0 0   (END)   0 0 0   o o o   - - -

Events

December 13, 2024 - December 14, 2024 - Barcelona, Spain 3rd Congress of Communists of Catalonia
January 10, 2025 - January 12, 2025 - Santiago, Chile XXVII National Congress of the CP of Chile